Sunday, October 24, 2010

Mataya-taya (tag) ,Yung nilalaro nating lahat araw araw.


Isang araw, may apat batang magkakaibigan na nag lalaro ng mataya-taya

Pedra: Taya! (tinaya nia si Pedre)
Pedre: ay shet! (sabay bwelo papunta kay Pedri) Taya! haha :P (medyo napalakas ung impact na hindi naman sinadya kasi nadulas sya pero hindi halata kasi hindi niya pinahalata)
Pedri: (sa isip nia: ang skit naman! nako bawal balik-taya eh, ah alam ko na >:) Aaa ganun ah (kumaripas bigla ng takbo papunta kay Pedro) Taya! (papalo yung taya nia kay Pedro)
Pedro: ARAY! e anu bang poblema mo Pedri?! Nakapalo ka pa ha!
Pedri: Eh bakit? nilakasan rin naman sakin ung pagkakataya kanina ni Pedre hindi naman ako nagalit ah!
Pedro: Hoy Pedre, hindi to Paluan ah!
Pedri: Wag mong sabihin na Nilakasan din ni Pedra ha e alam naman natin na hindi siya ganun di ba!
Pedre: Eh Hindi ko naman sinasadya eh! Nadulas kaya ako!
Pedra: Ano ba ang nangyare dito ha?
Pedri at Pedro: (kinwento ang nangyre kay Pedra pero hindi nila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag si Pedre)
Pedro: Eh nakita mo bang nadulas si Pedre, Pedra?
Pedra: Hindi nga eh.
Pedri: Sabe sa inyo eh! Siya yung may pakana nun!
(Out from nowhere, iginanti na lang bigla ni Pedro yung palo ni Pedri sa kanya kay Pedre)
Pedre: Huhuhu. bakit ba kasi ayaw niyong maniwala sa akin? Totoo naman nga kasi yun eh Huhuhu
Hanggang sa umabot na sa kanilang mga magulang ang nangyre...
Ano na kaya sa tingin nuyo ang mangyayare?

Isa sa goal ng blog na to ay yung tungkol sa iba't ibang perspektib sa buhay. Kung anu-ano yung views saka anu ung mga nakikita mo sa bawat views na yun. Na bawat hakbang at ang bawat bagay na gagawin mo, malaki ang maaaring maging epekto dito sa universe na'to. Iniimbita kitang tumingin sa ibat ibang angles na nangyayari sa buhay mo gaano man ito kalaki o kaliit. "Anu mang magaling kahit maliit basta't malimit ay patungong langit" sabe nga sa pondo ng pinoy. Hindi nyo ba alam na sa bawat kilos at galaw natin pra sa ibang tao o bagay man ay may katumbas na magiging reaksyon sa kanila at yung maaaring maging reaksyon naman nila na galing sa inyo ay makapaekto para naman sa magiging reaksyon ng kanila namang iba pang peers and so on




Hindi lang ikaw ang (write watever you feel here)sa mundo sigurado ko sa yo sa anim na billion dyan HINDI lang ikaw.

Panu kunyare habang nagbabasa ka nito, may dumating na kaibigan/kadorm mo at araw araw kayong nagkikita hindi kayo close pero hindi din kayo hindi close, nasa gitna lang yung closeness. Bakas sa kanya yung pagka-badtrip niya. Kasama niyo sa room yung isa niyo pang kaibigan.
Ikaw: O kumusta? Anung ngyre sau?
Friend: Ang saya ko! ang sayasaya ko grbe! Hindi ba halata?! Ha?! Pwede ba diyan ka na lang! Wag ka ng umeksena hindi ka naman makakatulong eh!

Ten-ten-ten-ten-ten-ten-ten-ten! Lets Play Who wants to be a billionaire!
Ano ang gagawin Mo?
A. E ******** mo pala eh! Ikaw na nga yung kinamusta ko ikaw pa yung galit ha na *********, ********,******! amos!
B. Ahh ganun ba.. ok (Deadma lang)
C. To talaga ahaha(pilit yung tawa) maya ha,, (Pamatay malisya)
D. Pasensya ka na ha... O cge na...
E. O kumusta ka na ha ___________(yung name nung Friend mo na by-stander)
F. Ahh ok... (pamatay malisya)
G. Walang reaksyon.

And daming choice ng who wants to be a billinaire di ba? Ikaw na kaya ang makakakuha ng tamang sagot? Alamin sa susunod na episode!


Is that you final answer? Are you sure?

So whats with Band-Ade, Ade?

Una sa lahat pasensya na kung medjo tag-lish ako magsulat ha, tingin ko mas malaya akong magsulat ng ganito yung  (ang hirap magsulat ng buong english or tagalog eh) at siguro na din para mas madali niyo ng basahin at intindihin di ba?

Ikaw ba ay:
Heartbroken
Malungkot
Badtrip
Masaya
In-love
Fell out of Love
Nagtatago
Guilty
Tuliro
Thankful
Nalilito
Kinakabahan
Nakatunganga at walang magawa?
or kung anu man ang iyong nararamdaman

Alam mo na ba ang dapat mong gawin? sigurado ka na ba?

Kung hindi ka pa sigurado, subukan mong basahin ang blog na'to ^^V.

Mabuhay! Hi sa inyong mga readers and writers diyan. Ako nga pala si Ade kung gusto niyo pang magkaroon ng iba pang detalye tungkol sa akin, basahin nyo na lang dun sa "about me" box ko.

Malamang karamihan sa inyo parang ganito yung naiisip ngayon: "Why would someone come to this blog, what would they be looking for?' O di kaya "Bakit Band-Ade?".

eh bakit band-Ade, Ade?
Naalala mo pa ba yung unang sugat/gasgas mo? masakit ba? (MALAMANG!! XD). Hindi ba pinaka common naman siguro noon na pag nadapa ka, lalapit ka sa nanay mo tapos gagamutin niya yung sugat mo, sa kaso ko  lalagyan muna ng Betadine saka ngayon lalagyan ng band-aid. Hindi pa rin nga nawala ung peklat sa tuhod ko hanggang ngayon pero at least gumaling,kahit medyo masakit nung ginagamot yun. I don't mean to state the obvious pero kase hindi ba, yung band aid madalas natin gamitin yun kapag nasugatan man tayo. Madalas di ba pag naglalagay ng band-aid sa medyo bagu-bagong sugat masakit yung iba pa nga napapasigaw eh. Gaano man kasakit yun ang purpose niya pa din ay isa at isa lang..para gumaling yung sugat mo. Sa bawat sugat sa buhay mo, hindi lahat may gamot, hindi naman talaga purkit may band-aid na yung sugat mo eh gagaling na agad hindi ba? Pero kahit papaano naman ang totoong nagagawa naman ng band-aid ay nakaka tulong mag paggaling. Hindi ganun kadali yung gumaling, minsan matagal at kasama na rin ung maypagka masakit gaya nga nung sa band-Aid. Sana magsilbing band-Ade yung blog ko para sa inyo kahit na sa maliliit at mabababaw na paraan lang ako makapamahagi sa inyo nung mga nangyre na sa akin at posible pang mangyre sa akin at sa inyo rin.
Kagaya niyo rin ako, Tao lang din, pare-parehas lang tayo nagkakaroon ng mga deadline at mga error sa buhay. Minsan bored din saka minsan hindi sinasdyang nakakagawa ng mali kasi hindi naman natin alam or alam natin ginusto lang din talaga. Nagdaan na rin ako diyan at magdadaan pa, ayoko lang mangyre sa inyo yung ibang consequences na nangyre saken, yung iba sobrang bigat pero siyempre may magandang dahilan ang Diyos para doon hindi ba. Kung hindi dahil sa mga yun wala siguro tong blog na to hindi ba? At bago ko makalimutan, suitable for all ages tong blog na to ha lahat kayo welcome magbasa siyempre. Sana magustuhan niyo at sana makatulong to sa inyo lets wait for further post and I hope your doing well. :]

                                                                                                                              -Ade